Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pre-trial ni Janet Lim-Napoles at ng isa pang dating kongresista sa kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel scam.

Nagpasya ang 5th Division ng anti-graft court na ilipat sa Marso 8 ang sana’y pre-trial kahapon upang bigyang-daan ang pagtatapos ng marking of evidence ng depensa at prosekusyon.

Kasama ni Napoles sa kaso si dating APEC partylist Rep. Edgar Valdez na humiling sa hukuman na ihiwalay ang na paglilitis sa kasong pandarambong at Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) laban sa kanya, na kaagad namang inaprubahan ng korte.

Sa record ng kaso, inakusahan si Valez na tumanggap ng P57.78 milyong kickback matapos ilaan ang kanyang ‘pork’ fund sa mga non-government organization (NGO) ni Napoles mula 2004 hanggang 2010. (Rommel P. Tabbad)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador