Mga tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang pedicab driver matapos siyang pagbabarilin ng apat na naka-bonnet bago maghatinggabi kahapon, sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Lito E. Patay, hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 6 ang biktimang si Jaylord Manebo y Abogado, 24, pedicab driver, ng Kalayaan Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kaagad na nasawi si Manebo dahil tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa inisyal na ulat ni PO3 Darmo Cardenas, ng QCPD-6 Tactical Operations Center (TOC), dakong 11:50 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa Kalayaan Street sa kanto ng Commonwealth Avenue.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-aabang ng mga pasahero si Manebo nang biglang sumulpot ang apat na suspek at pinagbabaril ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) upang matukoy ang mga salarin at malaman ang motibo sa krimen. (Jun Fabon)