TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Isang matagal na umanong tinutugis ng batas dahil sa panghahalay sa isang 12-anyos na babae ang naaresto sa Barangay Pablo ng Tacurong City, Sultan Kudarat, nitong Biyernes ng hapon.

Sa bisa ng arrest warrant, dinakip ng mga tauhan ng Tacurong City Police si James Romero, 31, binata, walang hanapbuhay at walang permanenteng tirahan.

Batay sa report ng pulisya, ginahasa umano ni Romero ang isang 12-anyos na babae noong Nobyembre 2016 at simula noon ay hindi na napagkikita sa kanilang lugar sa Tacurong. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog