Justin Bieber
Justin Bieber
NASA Instagram na uli si Justin Bieber.

Muling aktibo ang 22-anyos na singer sa kanyang account pagkaraan ng anim na buwan simula nang i-deactivate niya ang kanyang account. Nag-post siya tungkol sa T-Mobile Super Bowl campaign at hinimok ang mga tao na ibahagi ang kanilang pinakamagaling na touchdown dance gamit ang #UnlimitedMoves.

Pagkatapos ng mga sinabi ni Bieber sa isang concert niya noong Nobyembre, malaking sorpresa ang kanyang pagbabalik sa social media.

“Instagram is for the devil,” saad niya sa the show, na nakunan ng video ng isang fan. “I think hell is Instagram. I’m like, 90 percent sure. We get sent to hell, we get locked in the Instagram server. Like I’m stuck in the DMs.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Noong Agosto, binura ni Bieber ang kanyang account pagkatapos mag-post ng sunud-sunod na larawan na may caption na “stop the hate.”

Unang nagbabala si Bieber na isasapribado ang kanyang Instagram account nang makatanggap siya ng hate comments mula sa mga nagkokomento tungkol sa kanyang rumored girlfriend na si Sofia Richie, 18.

“This is getting out of hand, if you guys are really fans you wouldn’t be so mean to people that I like,” saad niya sa isang post sa Instagram.

Dumagdag pa sa gulo ang dating girlfriend ni Bieber na si Selena Gomez, 24, na nagbigay ng payo sa kanya.

“If you can’t handle the hate, then stop posting pictures of your girlfriend lol- It should be special between you two only,” komento ni Gomez sa larawan ni Sofia Richie. “Don’t be mad at your fans. They love you and supported you before anyone ever did.”

Sagot ni Bieber kay Gomez: “It’s funny to see people that used me for attention and still try to point the finger this way.”

Tugon naman ni Gomez: “Funny how the ones that cheated multiple times are pointing the finger at the ones that were forgiving and supportive, no wonder fans are mad. Sad. All love.” - People.com