BRO. JUN BANAAG
BRO. JUN BANAAG
MAHALAGA ang papel na ginagampanan ng executive producer ng alin mang show sa DZMM. Alam ito ni Bro. Jun Banaag kaya binibigyan niya ng importansiya ang mga suhestiyon ng kanyang EP na si TJ Correa.

Marami silang plano at gustong gawin sa pagdiriwang ng ika-20 taon ng counselling program sa taong ito. May mga premyong nakalaan sa mapipiling pinaka-memorable na problema mula sa callers. May gift certificates na ipapa-raffle.

Pero last week, malungkot na ibinalita ni Dr. Love ang paglisan ni TJ Correa sa kanilang show at ang pagtatalaga rito bilang executive producer ng weekend shows ng DMMM.

Sa text message na ipinadala ni TJ sa inyong lingkod ay sinabi niya kung paano napamahal nang husto sa kanya ang Dr. Love Radio Show. Mami-miss niya ang fatherly love ni Bro. Jun sa buong staff. Pinasasalamatan niya si Bro. Jun na naging susi para lalong tumibay ang kanyang pananampalataya. —Remy Umerez
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter