Patay ang isang lalaki sa sunog na tumupok sa walong tahanan sa isang siksikan at mataong lugar sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.
Bigong makaiwas sa apoy, umabot sa ikalawang alarma, ang 22-taong gulang na si Jaypee Nillusguin sa Don Primitivo Street, Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit.
Ayon sa Quezon City Fire Department, lasing at natutulog na ang suspek sa kanyang kuwarto nang mangyari ang sunog dakong 11:36 ng gabi.
Mabilis na kumalat ang apoy sa pitong iba pang bahay na pawang gawa sa light materials, ayon sa awtoridad.
Agad rumesponde ang mga bumbero at tuluyang naapula ang apoy dakong 12:26 ng umaga kahapon.
Natagpuan lamang ang bangkay ni Nillusguin nang maapula na ang apoy.
Samantala, aabot sa 12 pamilya ang naapektuhan ang nawalan ng tirahan habang tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng ari-ariang naabo.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon)