HATAW si Bong Quinto sa naiskor na 28 puntos para sandigan ang Tanduay sa 99-93 panalo kontra AMA Online Education nitong Huwebes sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumawala sa depensa ng AMA si Quinto, ang pambato ng Letran sa naiskor na 12 puntos sa final period, para maisalba ang matikas na paghahabol ng karibal at makuha ng Rhum Masters ang ikalawang sunod na panalo.

Nag-ambag si Paul Sanga ng 22 puntos, tampok ang 5-of-9 sa three-point area, habang kumana si Raphy Reyes ng 16 puntos para sa Rhum Masters.

“I’m not satisfied because I believe we could give more. But hopefully, naging magandang experience ito for us.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Maganda na ma-challenge na kami for tougher battles ahead,” pahayag ni Tanduay coach Lawrence Tiongson.

Nanguna si Jeron Teng sa Titans sa nakubrang 26 puntos, limang rebound at limang assist, habang nag-ambag si PJ Barua ng 25 puntos.

Sa unang laro, nadomina ng Cignal-San Beda ang Wangs Basketball, 84-77.

Iskor:

(Unang Laro)

CIGNAL 84 - Perkins 19, Mocon 15, Potts 12, Arboleda 9, Raymundo 8, Oftana 7, Bolick 3, Tongco 3, Adamos 2, Batino 2, Bringas 2, Villarias 2, Arong 0, Bahio 0.

WANGS 77 - M. Gomez 22, Publico 10, Tambeling 9, Brana 8, C. Gomez 6, Enriquez 5, Labing-isa 5, King 3, Regalado 3, Acosta 2, Montuano 2, Tayongtong 2, Salcedo 0.

Quarters: 23-21, 39-45, 58-61, 84-77.

(Ikalawang Laro)

TANDUAY 99 - Quinto 28, Sanga 22, Reyes 16, Santos 9, Eguilos 6, Moralde 6, Palma 6, Raymundo 6, Cenal 0, Cruz 0, Sollano 0, Varilla 0.

AMA 93 - Teng 26, Barua 25, Tiongson 17, Arambulo 11, Olayon 6, Taganas 4, Alabanza 2, Bragais 2, Jordan 0, Macaranas 0, Riley 0.

Quarters: 26-23, 47-41, 67-61, 99-93.