BOGOTA/SAO PAULO (Reuters) – Nagkasundo ang mga defense minister ng Brazil at Colombia na palakasin pa ang paglaban sa drug trafficking sa pagpupulong nitong Martes, sa lungsod ng Manaus – dito naganap ang madudugong riot ng magkakalabang drug gang sa mga kulungan ng Brazil kamakailan.

Nangako ang mga bansa na magbahagian ng intelligence at transportation sa 1,600 km hangganan na tumatawid sa Amazon rainforest, kung saan nahihirapan silang mapigilan ang pagdaloy ng droga nitong mga nakalipas na taon.

Pinangangambahan na ang demobilization ng Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC) bilang bahagi ng kasunduan na magwawakas sa 50 taong digmaan ay magbubunga sa pag-anib ng mga armadong dating mandirigma sa mga drug gang sa Brazil.

“We cannot let peace in Colombia be cause for concern in the region,” sabi ni Colombian Defense Minister Luis Carlos Villegas.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture