PANIQUI, Tarlac - Aabot sa malaking halaga ang natangay ng apat na kawatan sa pinasok nilang bahay sa Barangay Balaoang sa Paniqui, Tarlac, kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Joemel Fernando, nakatangay ng isang computer set, flat screen TV, digital camera, isang tablet computer, ilang cell phone at cash sa bahay ni Sheryl Martin, 43, may asawa, ng nasabing barangay.

Sa follow-up investigation, naaresto sina Rowel De Guzman, 30, ng Bgy. Poblacion Norte; at Mark Franco, 26, may asawa, ng Bgy. Estacion, Paniqui.

Sa imbestigasyon, ikinanta na rin nina De Guzman at Franco ang dalawa pa nilang kasama na si Benjie Miano, 20, umano’y mastermind, ng Bgy. Ablang-Sapang, Moncada; habang nakatakas naman si alyas Aurel, na nabawian ng mga ninakaw na gamit sa bahay nito sa Bgy. Patalan, Paniqui. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog