Kapwa ngayon bilanggo ang bus driver at kanyang konduktor matapos umanong pagtulungang saktan ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development sa Pasay City.

Nagawang maipakulong ni Richard Morales, traffic enforcer, sina Dick Soriano, driver; at Gilbert Gonzales, konduktor, nang atakehin siya ng mga ito.

Base sa ulat, bandang 7:00 ng umaga, pinara ni Morales si Soriano, driver ng Lucky 7 Jayross bus (TXJ-438), sa northbound lane ng Edsa-Cabrera sa Pasay sa paglabag sa close-door policy, na may multang P1,000.

Nang iabot ni Morales ang traffic violation ticket kay Gonzales, kinuha ni Soriano ang ticket at bumaba sa bus at kinompronta ang traffic enforcer.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kasagsagan ng pagtatalo, isinampal umano ni Soriano sa dibdib ni Morales ang ticket dahilan upang mag-init ang enforcer. At sa halip na awatin ang dalawa, nakisali pa umano si Gonzles at sinuntok si Morales.

Nagawa pang takbuhan nina Soriano at Gonzales si Morales ngunit sila’y nakorner din sa Ortigas.

Inimpound ang bus sa Tumana sa Marikina City habang inaresto naman sina Soriano at Gonzales at sinampahan ng kaukulang kaso. (ANNA LIZA VILLAS ALAVAREN at BELLA GAMOTEA)