Suportado ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga opisyal at empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang makahikayat ng magagaling at matitinong abogado at accountant na sasali sa serbisyo at mabawasan ang katiwalian sa ahensiya.

Sinabi ni Revenue Deputy Commissioner for Legal Service Jesus Clint Aranas na nakausap niya sina House Speaker Pantaleon Alvarez at Senate President Quilino Pimentel III at nagpahayag ang mga ito ng suporta sa panukala.

Aniya, mahigit 11,000 bakanteng posisyon sa BIR ang naghihintay na mapunan dahil sa mababang suweldo. (Jun Ramirez)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'