PANIQUI, Tarlac - Naging matagumpay ang operasyon ng Paniqui Police makaraan nilang malambat ang dalawang hinihinalang tulak habang nakatakas naman ang iba pang naaktuhan din sa shabu session sa Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Insp. Randie Niegos, intel officer, kay Paniqui Police OIC Supt. Joel Mendoza, narekober kay Benjamin Gadiana, 37, ang isang plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at cell phone.

Nang kapkapan naman ng pulisya si Carmelita Valladores, 34, ay nakumpiska sa kanya ang isang plastic sachet na may hinihinalang shabu at cell phone na gamit umano sa transaksiyon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog