ALEOSAN, North Cotabato – Tinangka ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na salakayin ang dalawang Army at militia detachment sa North Cotabato, ngunit napigilan sila ng militar, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Supt. Romeo Galgo, Jr., tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-12, na sinalakay ng hindi tukoy na dami ng tauhan ng BIFF ang detachment ng 7th Infantry Battalion na nasa national highway sa Barangay Nalapaan, Pikit, bandang 12:45 ng umaga.

Bagamat kakaunti, nakipagbakbakan ang mga sundalo at ilang tauhan ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) hanggang sa maitaboy ang mga rebelde.

Walang nasugatan o nasawi sa militar, habang hindi naman makumpirma kung may casualty sa panig ng BIFF.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Bandang 4:00 ng umaga naman nang atakehin ng kaparehong grupo, gamit ang mga rocket propelled grenades at assault rifle, ang Army base sa Bgy. Pagangan, Aleosan, na nauwi sa 30-minutong bakbakan. (PNA)