MAPAPALABAN ang mga miyembro ng National Team sa foreign riders sa pagsikad ng ika-8 edisyon ng Le Tour de Filipinas sa Southern Tagalog partikular sa Bicol.

Ngunit, kumpara sa nakaraang taong edisyon, ang 75 mga siklista na kumakatawan sa 15 koponan at kinabibilangan ng 13 dayuhan at dalawang lokal ay magsisimula sa Legaspi City sa Pebrero 18.

May kabuuang distansiyang 726.55 kilometro, ang karera ay magtatapos sa Lucena City sa Pebrero 21.

“For the 8th edition we decided to reverse the route from south to north,” ayon kay Le Tour organizer UBE Media president Donna May Lina.”The route is more technical this time because of the gradual upward gradient from Sorsogon to Lucena City.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Para sa apat na araw na karera, gaganapin ang Stage 1 mula Legaspi City at magtatapos sa Sorsogon City at babagtas sa kabuuang distansiyang 164.5 kilometro kung saan matatanaw ng mga siklista ang Mayon Volcano at Mt.Bulusan.

Kasunod nito ang 177.35 kilometrong Stage 2 mula Sorsogon hanggang Naga City bago ang panibagong 117 kilometrong Stage 3 mula Naga City hanggang Daet,Camarines Norte at magtatapos sa pamamagitan ng pinakamahabang stage na Daet to Lucena City na binubuo ng distansiyang 207.35 kilometro.

Kabilang sa 13 mga dayuhang koponang lalahok ngayon ang Kinan Cycling Team, isa sa tatlong koponang galing Japan na pangungunahan ni 2015 champion Thomas Lebas ng France.

Ang iba pang mga foreign teams na sasabak sa UCI 2.2 race ay ang Oliver’s Real Food Racing ng Australia, Keyl Look Sport (China), Attaque Team Gusto ng Chinese Taipei, Ukyp at Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan, Cartucho Es Pro Cycling ng Kuwait, CCN Cycling Team ng Laos, Terrengganu ng Malaysia, LX Pro Cycling at Korail ng South Korea, Nice Cycling ng Switzerland, at Uzbekistan national team.

Magsisilbi namang kinatawan ng bansa ang nag- iisang continental team na Seven Eleven Sava Roadbike Philippines at ang Philippine National Team. (Marivic Awitan)