Umaasa pa rin si Vice President Leni Robredo na mabibigyan sila ng pagkakataon ni Pangulong Duterte upang ayusin ang kanilang hindi pagkakasundo at maibalik ang kanilang ugnayang propesyunal.
Sa press briefing nitong Biyernes sa Naga City, inamin ni Robredo na hindi pa sila nagkikita ng Pangulo simula nang mag-resign siya sa Gabinete nito noong Disyembre 5, matapos siyang pagbawalang dumalo sa mga cabinet meeting.
“Hindi pa nagkakaroon ng opportunity magkita,” sabi ni Robredo. “I thought we will see each other in Vin d’Honneur but they took back the invitation.”
“I think there will be an opportunity to meet again, I remain hopeful,” dagdag niya at iginiit na nananatili ang respeto niya sa Presidente. (Merlina Hernando-Malipot)