TARLAC CITY – Anim na katao ang naaresto matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa Block 2, Barangay Cut-Cut 1st, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, inaresto sina Ricky Canlas, 27, ng Bgy. San Isidro, Tarlac City; Vicente Cabaddu, 49, ng Bgy. Estrada, Capas; Gilbert Mandani, 49, ng Block 2, Bgy. Cut-Cut 1st, Tarlac City; Carlito Del Rosario, 45, ng Bgy. San Isidro, Tarlac City; Rommel Alberva, 36, ng Bgy. Sta. Rosa. Concepcion, Tarlac; at Ricardo Fermin, 28, ng Bgy. Murcia, Tarlac City.

Napag-alaman na nagkunwaring buyer sa operasyon si PO1 Jayson Dela Cruz Doctor at makaraang makabili ng 0.023 gramo ng hinihinalang shabu at isinagawa ang pagdakip sa mga naaktuhan sa shabu session. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog