teng copy copy

MISMONG si Jeron Teng ay hindi makapaniwala sa nagawang 42 puntos sa kanyang debut game sa PBA D-League – semi-pro league – nitong Huwebrs para sa impresibong simula ng AMA Online Education.

Naitala ng dating La Salle skipper ang ikalawang most point na naiskor sa isang laro sa likod ng league record na 58 puntos ni James Martinez noong Agosto 2, 2016.

“I didn’t expect it. I was surprised after the game when coach Mark (Herrera) told me,” pahayag ni Teng, matapos pamunuan ang Titans sa 101-95 panalo kontra baguhang Batangas sa pagbubukas ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Para kay Teng, marami pa siyang dapat na ma-improve sa kanyang laro at sisikapin niyang madala ang AMA sa kampeonato.

“I still need to improve on a lot, especially my outside shooting and involving my teammates more,” ayon pa kay Teng. “In this game, I was just focused to do my best for the team to help my team win the game.”

Hindi rin itinago ni Teng ang kanyang kasiyahan sa tiwalang ibinibihay sa kanya ni coach Mark Herrera, gayundin ang mainit na pagtangkilik sa kanya ng AMA community.

“Happy lang ako na feeling ko nasa college pa rin ako. I felt the school spirit with AMA community. I’m just happy with this team. My mentality every game is to give my best and improve what I can improve on before I enter the Draft. It’s another basketball experience for me and I’m happy to improve here,” aniya. (marivic awitan)