KANO, Nigeria (AFP) - Umabot na sa 90 katao ang namamatay at maaari pa itong lumobo hanggang 170, dahil sa palpak na air strike ng Nigeria laban sa Boko Haram na sumapol sa kampo ng refugees, ayon sa Doctors Without Borders.

Halos pawang babae at bata ang biktima ng air strike sa Rann, saad ng medical charity, na inilarawan ang insidente bilang “shocking and unacceptable”.

Iimbestigahan ng air force ng Nigeria ang pangyayari at ilalabas ang resulta bago sumapit ang Pebrero 2, ngunit inamin na ng mga military commander na nagkamali sila sa pambobomba.

Sinisi ni Major General Lucky Irabor, nangunguna sa counter-insurgency, ang “fog of war” at sinabi na ang target talaga nito ay ang mga jihadist sa lugar ng Kala-Balge, na bahagi ang Rann.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Namamahagi ng pagkain sa 20,000 hanggang 40,000 katao ang mga humanitarian worker nang mangyari ang pambobomba.