MELBOURNE, Australia (AP) — Naitala ni Angelique Kerber ang pinakamagaang panalo sa kanyang pagdepensa sa Australian Open title, sa dominanteng 6-0, 6-4 panalo kontra Kristyna Pliskova sa third-round nitong Biyernes.

Ginapi ng top-ranked na si Kerber ang kakambal ni Pliskova na si Karolina sa finals ng U.S. Open para sa ikalawang career Grand Slam title sa nakalipas na season.

Nagdiwang ng kanyang ika-29 kaarawan nitong Miyerkules sa impresibong panalo kay German Carina Witthoeft sa second round nitong Miyerkules, umaasa si Kerber na mapanatili ang diskarte sa kabuuan ng torneo.

Sunod niyang makakaharap si 35th-ranked CoCo Vandeweghe, nagwagi konta 2014 semifinalist Eugenie Bouchard, 6-4, 3-6, 7-5.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It will be tough,” pahayag ni Kerber. “I’m ready. I’m feeling good. I’m loving to play on this court.”

Nakalusot naman si eighth-seeded Svetlana Kuznetsova sa dikitang laban kontra sa dating No. 1-ranked na si Jelena Jankovic 6-4, 5-7, 9-7, sa larong umabot sa tatlong oras at 36 minuto.

Mapapalaban ang two-time major champion na si Kuznetsova kay No. 24 Anastasia Pavlyuchenkova, nagwagi kay No. 11 Elina Svitolina 7-5, 4-6, 6-3.

“She started playing better and I got a little passive in my game plan and executing it — I was able to turn it around thankfully,” pahayag ni Vandeweghe.

“It’s just another opponent on the way to achieving my goal. Anyway I could get it done — I just wanted to get the result. Achieved my goal,” aniya.