MELBOURNE, Australia (AP) – Hindi nawawala ang sopresa sa Australian Open.

Sa pagkakataong ito, ang defending champion na si Novak Djokovic ang napabilang sa pinakamalaking istorya ng Open nang magapi ng wild card entry na si Denis Istomin, 7-6 (8), 5-7, 2-6, 7-6 (5), 6-4, sa second round ng men’s singles nitong Huwebes sa Rod Laver Arena.

Nakapaghihina ang sitwasyon kung saan umabot sa apat na oras, 48 minuto ang laban.

Taliwas naman ang kapalaran nina No.1 Andy Murray ng Britain ang 17-time Grandslam champion Roger Federer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ni Murray si Andreas Seppi, 6-3, 6-0, 61; habang umusad si Federer sa impresibong 7-5, 6-3, 7-6 (3) panalo sa 20-anyos qualifier na si Noah Rubin.

Sunod na makakaharap ni Federer si 2010 Wimbledon finalist Tomas Berdych, nagwagi kay Ryan Harrison, 6-3, 7-6 (6), 6-2. Nakatakda rin niyang makatunggali si No.5 Kei Nishikori, ang 2014 U.S. Open finalist.

Mapapalaban si Murray kay No. 31 Sam Querrey, nanalo kay Alex De Minaur, 7-6 (5), 6-0, 6-1.