Mahigit 45,000 biktima ng human trafficking ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) noong 2016.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, may 111,947 ang dinala sa pangalawang interbyu ng Immigration officers noong nakaraang taon -- 66,631 sa mga ito ang pinayagang makaalis habang 45,316 ang hindi nakalusot.

Isinama ang 667 sa mga biktima ng pinaghihinalaang human trafficking at ang 601 sa mga biktima ng illegal recruiter.

Isasalang sila sa karagdagang imbestigasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT). (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal