GAO (AFP) — Patay ang 50 katao sa suicide bombing na pumuntirya sa mga militia group na nagbabantay sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa Mali nitong Miyerkules ng umaga sa Gao, ang pinakamalaking lungsod sa hilagang rehiyon ng bansa.

Umatake ang car bomb sa kampong tinutuluyan ng mga dating rebelde at pro-government militia na lumagda sa 2015 peace accord kasama ang gobyerno. Nangyari ito habang naghahanda ang mga dating rebelde ng Tuareg-led CMA movement na magpatrulya kasama ang pro-government militia members, sa ilalim ng kasunduang pangkapayapaan.

Inako ng grupo ng Algerian jihadist at kaalyado ng Al-Qaeda na si Mokhtar Belmokhtar ang pagpasabog. Kinilala ng grupong kaalyansa ng Al-Qaeda in the Islamic Maghreb (AQIM), ang umatake na si Abdelhadi al-Foulani.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa