PANIQUI, Tarlac - Isang 73-anyos na lalaki, na sinasabing matagal nang minamanmanan ng riding-in-tandem, ang itinumba sa Paniqui-Camiling Road sa Barangay Barang, Paniqui, Tarlac, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni PO3 Julito Reyno ang biktimang si Basilio Teodoro, Sr., 73, ng Bgy. Barang, na kaagad nasawi sa dami ng tama ng balang natamo.

Ayon sa report, dakong 5:15 ng umaga at patungo sa kapilya sa Bgy. Mabilang si Teodoro nang pagbabarilin siya ng mga suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match