Determinado ang gobyerno na igiit ang soberanya ng bansa sa South China Sea o West Philippine Sea ngunit walang planong magpatupad ng “aggressive and provocative” na estratehiya upang maisaayos ang hindi pagkakaunawaan sa China.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ilang oras bago ang paghaharap nina Pangulong Rodrigo Duterte at China Vice Foreign Minister Liu Zhenmin sa Malacañang kahapon.

Bagamat pinaniniwalaang ang nasabing pulong ay kaugnay ng pangamba ng ating gobyerno sa paglalagay ng Beijing ng mga armas sa mga artipisyal na isla sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea, iginiit ng Malacañang na isa lamang itong courtesy call sa panig ni Liu.

“We have issued a note verbale to China regarding the buildup of weapon systems in man-made islands in the South China Sea. Aggressive and provocative diplomacy will bring us nowhere so we dealt with the issue formally,” sabi ni Abella.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The Philippines will continue to assert its sovereignty over disputed territory in the South China Sea while remaining consistent with the efforts of President Duterte to revitalize longstanding ties with China,” paliwanag ni Abella.

Napaulat na naglagay ang China ng mga anti-aircraft at anti-missile system sa mga artipisyal nitong isla sa South China Sea noong nakaraang taon.

Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng verbal note sa Chinese Embassy matapos makumpirma ang nasabing weapons build-up.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa militarisasyon ng China sa South China Sea.

Ayon kay Lorenzana, sa kabila ng bumubuting ugnayan sa China, hindi dapat na magpabaya ang ating gobyerno sa tungkulin nitong protektahan ang interes ng Pilipinas.

“The actions of China in militarizing those disputed features is very troubling. They do not square with the Chinese government’s rhetoric that its purpose is peaceful and friendly,” ani Lorenzana.