Apat na ang binawian ng buhay sa mga biktima ng pagsabog sa isang liquefied petroleum gas (LPG) refilling station sa Pasig City noong nakaraang linggo.

Ayon kay Senior Insp. Anthony Arroyo, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasig City, kabilang sa mga biktima na binawian na ng buhay ay sina Camilo Alcaraz Jr., 18, delivery boy; Romeo Eugenio, 28, trabahador; Jectopher Caoili, 21, trabahador; at William Khey, 39, supervisor, pawang empleyado ng Omni Gas Corporation.

Pinakahuli umanong binawian ng buhay si Alcaraz, tubong Isabela at stay-in sa sumabog at nasunog na Regasco refilling station na pagmamay-ari ng Omni Gas Corporation.

Ayon kay Arroyo, si Alcaraz ay nalagutan ng hininga dakong 1:00 ng madaling araw kahapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna nang nasawi sina Eugenio, Caoili at Khey na pawang nagtamo ng matinding sunog sa katawan. (Mary Ann Santiago)