Victor Oladipo,Ty Lawson

Harden at Westbrook, agawan sa Mr. Triple-double title.

NEW YORK (AP) — Kaagad na napigilan ng Houston Rockets ang napipintong ‘losing skid’ nang punitin ang depensa ng Brooklyn Nets tungo sa 137-112 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Hataw si James Harden sa naiskor na 22 puntos, 11 rebound at 11 assist para sa ika-12 triple-double ngayong season at kaagad na nakabalik ang Rockets sa lipad matapos makilyahan sa nakalipas na dalawang laro.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Matapos malimitahan sa 105 puntos sa kabiguan kontra Minnesota at Memphis, sumirit muli ang Rockets para hilahin ang losing skid ng Nets sa nakadidismayang ika-10 sunod.

Nanguna si Eric Gordon sa Rockets sa naiskor na 24 puntos, habang kumubra si Trevor Ariza ng 23 puntos.

THUNDER 122, KINGS 118

Sa Sacramento, nasawata ng Oklahoma Thunder ang matikas na ratsada ng Kings sa krusyal na sandali para maitakas ang panalo.

Hindi nasayang ang 36 puntos, 11 rebound at 10 assist – ika-20 triple-double ngayong season – ni Russel Westbrook na nagtatangkang pantayan ang record ni Hall-of-Fame guard Oscar Robertson. Sa nakalipas na season, naitala niya ang 19 triple-double.

Nag-ambag si Enes Kanter sa natipang 29 puntos at 12 rebound para sa Thunder.

Nanguna si DeMarcus Cousins sa Kings na naiskor na 31 puntos, 11 rebound at pitong assist.

RAPTORS 116, KNICKS 101

Sa Toronto, nilapa ng Raptors, sa pangunguna nina DeMar DeRozan na kumubra ng 23 puntos at Norman Powell na may 21 puntos, ang New York Knicks.

Naibaba ng Toronto ang 27-8 run sa third period para sa 96-62 bentahe. Bunsod ng panalo, umusad ang Raptors sa 27-13 tampok ang tatlong sunod na araw.

Pumitas naman sina Demarre Carroll at Jonas Valanciunas sa nasalansan na 20 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna sa Knicks si Carmelo Anthony na may 18 puntos.

PISTONS 102, LAKERS 97

Sa Hollywood, umeksena si Tobias Harris sa naiskor na 23 puntos, tampok ang three-pointer sa huling 30.5 segundo, para maputol ng Detroit ang three-game losing streak.

Hataw sina Marcus Morris at Andre Drummond na naiskor na 23 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod. Ito ang unang panalo ng Pistons laban sa Lakers mula noong Nov. 14, 2008.

Sa iba pang laro, pinatahimik ng Dallas Mavericks ang Minnesotta Timberwolves, 98-87’ at sinupil ng ng Chicago Bulls ang Grizzlies, 108-104.