MELBOURNE, Australia (AP) — Sa kanyang unang sabak sa Grand Slam bilang isang ganap na Knight at world No.1, mas naging perfectionist ang British tennis star.

Kaagad na binubulyawan ang sarili sa bawat pagkakamali at napapasigaw sa bawat puntos na magawa, naisalba ni Murray ang unang laban kontra Illya Marchen sa 7-5, 7-6 (5), 6-2 decision.

Sinimulan ng five-time finalist ang kampanyang tuldukan ang mahabang panahong kabiguan sa Rod Laver Arena nitong Lunes para sa inaaasaham na unang Australian Open title.

Nabigo si Murray sa nakalipas na taon, kabilang ang huling dalawang season kontra sa mahigpit na karibal at six-time champion na si Novak Djokovic.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, sa pagtatapos ng nakalipas na taon, nalagpasan niya sa Djokovic sa world ranking, at inaasahang maging sa unang Grandslam event ng taon.

Nauna rito, ipinagkaloob din sa kanya ni Queen Elizabeth II ang titulong ‘knighthood’ bilang pagkilala sa kontribusyon niya sa sports.

Sa kabila nito, inamin ni Murray na sa laro, walang nabago.

“The same pressure, same expectations,” aniya.

Ngunit, inamin niyang desperado na siya para mabago ang kapalaran sa Australian Open.

“I’ve never won here — I’m going to try to change that this year,” pahayag ni Murray.

Dalawang matikas na player ang posibleng humadlang sa kanya – sina No. 5 Kei Nishikori at No. 10 Tomas Berdych — kapwa nangwagi rin sa kanilang first round match, gayundin si 17-time Grandslam winner Roger Federer, sasabak sa unang kompetitibong torneo matapos ang anim na buwang pahinga kontra qualifier Jurgen Melzer.

May kabuuang 18 American women sa main draw, at dalawa ang kaagd na umusad sa second round.

Ginapi ni Venus Williams si Kateryna Kozlova, 7-6 (50, 7-5, habang nasilat ni Shelby Rogers si fourth-seeded Simona Halep, 6-3, 6-1.

“It’s never easy playing the first round — you’re just trying to find the rhythm,” pahayag ni Williams. “She played amazing. It’s very satisfying to get through a match against an opponent who is on fire.”

Umabot sa tatlong oras at 34 minuto ang laro ni Nishikori kontra Andrey Kuznetsov 7-5, 1-6, 6-4, 7-6 (6), 6-2, habang magaan ang panalo ni Berdych kay Luca Vanni, 6-1 (retired).

Umusad din si No. 19 John Isner nang pabagsakin si Konstantin Kravchuk 6-3, 6-4, 6-7 (5), 6-1, gayundin sina No. 27 Bernard Tomic, No. 29 Viktor Troicki at No. 31 Sam Querrey, nagwagi kontra Quentin Halys 6-7 (10), 7-6 (4), 6-3, 6-4.