ABULUG, Cagayan – Isang kalansay ng tao na sinunog sa gulong ng sasakyan ang natagpuan sa Sitio Langay sa Barangay Banguian, Abulug, Cagayan.

Sa panayam kahapon kay Senior Insp. Marlon Serna, hepe ng Abulug Police, sinabi niyang hindi pa nila tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sinabi ni Serna sa Balita na nadiskubre ang kalansay sa masukal na lugar nitong Miyerkules at posibleng kasusunog lang dahil mainit pa umano ang gulong. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match