CONCEPCION, Tarlac - Naging marahas ang pagtatalo ng isang mag-asawa hanggang sa umabot pa sa pananaga ng mister sa kanyang misis sa Barangay Talimundoc San Miguel sa Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO1 Emil Sy ang suspek na si Renato Nucum, 33, na tumakas matapos pagtatagain ng jungle bolo ang 30-anyos niyang maybahay nitong Huwebes ng umaga.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa kunin ng suspek ang kanyang bolo at pagtatagain ang asawa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR