CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Nakatakas ang isang drug suspect habang naaresto naman ang tatlong iba pa, kabilang ang dalawang menor de edad, sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa nasa 7.2 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang nakatakas na si Raymert Bacuna, ng Barangay Camp 7, Baguio City, habang naaresto naman ang kasamahan niyang si Nathaniel Sy, 23, binata, ng Bgy. Batug Norte, Cabanatuan.

Dalawa namang 17-anyos, isang babae at lalaki, ang naaresto sa anti-illegal drugs operation sa Bgy. Patalac, at nasamsam ang siyam na bundle ng marijuana dried leaves na tumitimbang ng 7.2 kilo at nagkakahalaga ng P180,000. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match