Isang lalaki na kalalaya lang ang pinagbabaril at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ni Noel Maraya Jr., nakulong sa kasong robbery/snatching, ng No. 12 Mars Street, Arroville, Sunvalley Barangay 198, Zone 20 ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Sr. Supt. Lawrence Coop, dakong 2:30 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Sun Valley Drive, Bgy. 196.

Naglalakad papauwi ang biktima, kasama ang kanyang kaibigan na hindi binanggit ang pangalan, nang sumulpot ang apat na lalaking pawang nakasuot ng bonnet, armado ng hindi batid na kalibre ng baril at sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka.

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls

Pagtapat ng mga suspek sa biktima ay agad siyang pinagtulungang barilin hanggang sa duguang bumulagta sa kalsada at hindi naman nadamay ang kaibigan nito sa insidente.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. (Bella Gamotea)