Mahigit 1,000 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang nanganganib na mawalan ng trabaho matapos tanggihan ng Pangulong Duterte ang apela ng ahensiya na panatilihin ang paggamit ng pondo sa express lane na kinokolekta mula sa mga dayuhan para bayaran ang sahod at overtime ng mga contractual at job order na tauhan.

Mahigit P1.2 bilyon kada taon ang nakukolekta ng BI mula sa bayad sa express lane.

Iginiit ng House Committee on Appropriations na ang bayad sa BI express-lane ay idinedeposito sa National Treasury bilang kita sa pangkalahatang pondo. Ito ay kasama sa panukalang 2017 National Expenditure Program. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal