Normal na ang operasyon sa pinakamalaking kumpanya ng bus sa Southern Luzon matapos magkasundo ang Delmonte Land Transport Bus Company, Inc. (DLTB) at DLTB Labor Union-AGLO, ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

“Para na rin sa kapayapaan at hindi na malagay pa sa alanganin ang kapakanan ng publiko, ang mga namamahala ng DLTB at ang unyon ng manggagawa ay nagkasundo na upang maibalik na sa normal ang operasyon ng kumpanya ng bus,” pahayag ng kalihim.

Itinigil ng mga miyembro ng DLTB Labor Union-AGLO ang kanilang welga nang lumagda ang bawat panig sa kasunduan.

Nagsimula ang kanilang protesta noong Disyembre 26, 2016 matapos hindi umano maibigay ng kumpanya ang suweldo at 13th month pay ng mga empleyado. (Mina Navarro)
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony