CONCEPCION, Tarlac – Apat na katao ang nasugatan at isinugod sa Concepcion District Hospital nitong Sabado ng gabi makaraang magkarambola ang tatlong tricycle sa Barangay Santiago sa Concepcion, Tarlac.

Sugatan sina Danilo Gamboa, 52, may asawa, driver ng Kawasaki Bajaj motorized tricycle (QN-5760), ng Bgy. Jefmin; Marvin Dinolan, 25, driver ng Rusi motorized tricycle (XS-7563); Sheena Chavez, 18, kapwa taga-Bgy. Pitabunan; Florencio Santos, Jr., 44, binata, driver ng Honda Wave tricycle (TK-7790), ng Bgy. Alfonso, Concepcion, Tarlac.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog