barbie-copy-copy

KIKILIGIN ang female viewers ng Meant To Be kay Ivan Dorschner at sa tambalan nila ni Barbie Forteza.

May chemistry ang dalawa at idagdag pang kinikilig si Barbie kay Ivan.

“Sino ba ang hindi kikiligin sa kanya? Sobra ang guwapo niya,” sagot ng young actress kapag tinatanong tungkol kay Ivan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pero wala siyang maisagot nang usisain kung ano ang gagawin niya halimbawang totohanan siyang ligawan ni Ivan. Ayaw daw niyang isipin ‘yun. ‘Kaloka!

Sa Meant To Be, ginagampanan ni Ivan ang role ni Ethan Spencer-Hughes, ideal guy/perfect boyfriend, charming, romantic, and ultimately loyal and rich. Bumalik siya ng Pilipinas to reconnect with his mom (Sheryl Cruz) nang pumanaw ang kanyang British dad.

Siya ang unang kinakitaan ng fans na may chemistry kay Barbie at nagkaroon nga ng VanBie fans. Ang cute nang ipa-describe sa kanya si Barbie in one word.

“Hindi siya madi-describe in one word because she’s indescribable.”

Sa sagot na ito ni Ivan, lalo lang tuloy silang tinukso ni Barbie.

Sa Monday na ang pilot ng Meant To Be mula sa direction ni LA Madridejos at mapapanood na kung tama ang VanBie fans na mas bagay sina Ivan at Barbie kesa tatlong iba pang leading men ng young actress..

Samantala, si James Reid pala ang tinutukoy ni Ivan na kaibigan niyang kumumbinsi sa kanya na bumalik sa Pilipinas at subukan uli ang showbiz. Nagkita sila sa Los Angeles, Californina at nagkausap at naging confidante niya si James.

Alam nito na ang offer ng GMA-7 ang kanyang pinili sa offers sa kanya.

“Actually, sa totoo lang alam niyang lahat ng nangyayari. Alam niyang nag-audition ako sa Meant To Be at sa ibang shows at nangungumusta siya. I told him it was great! It feels na tama, it feels na magaan. And he said, ‘Oh that’s really good! I think maybe you’d experience a lot of good things sa GMA’,” kuwento ni Ivan. (Nitz Miralles)