ANAO, Tarlac — Isang senior citizen ang namatay matapos sumabog ang gulong ng sinasakyang van at bumaligtad sa Tarlac- Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), Barangay San Francisco East, Anao, Tarlac kamakalawa.

Namatay si Abraham Kis-ing, 65, may-ari ng Hyundai Starex (license plate VCM- 837) na minamaneho ni Kelvin Kis-ing, 27.

Sugatan si Kis-ing at isa pang pasahero, si Herminia Kis-ing, 63.

Dinala sila sa Jecsons Medical Center saTarlac City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inireport ng pulisya na sumabog ang kaliwang gulong sa likuran ng van at nawalan ng kontrol ang nagmamaneho nito.

Bumangga ang sasakyan sa konkretong pader ng TPLEX bago bumaligtad. (Leandro Alborote)