PALO, Leyte – Prayoridad ngayong taon ng First Leyte Engineering District (First LED) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapalawak sa mga kalsada at mga proyekto kaugnay sa flood control sa Leyte.

Sinabi ng First LED District Engineer Johnny M. Acosta na nakatutok ang kanyang ahensiya sa pagpapaginhawa sa transportasyon ng lalawigan.

Ang road widening ay ipatutupad sa bayang ito partikular na sa kabubukas lang na Oriental Hotel sa Barangay Baras na isang historic site and tourist spot.

Sinabi ng Acosta na hinihikayat niya si Palo Mayor Remedios Petilla na kumbinsihin ang mga may lupain na maaapektuhan ng road widening na ipagbili ang kanilang lote sa pamahalaan upang mapabilis ang proyekto.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga flood control project ay makakatulong sa mabilis na pahupa ng baha, dagdag niya.

Ang pondo para sa mga proyekto ay kasama sa 2017 General Appropriations Act (GAA), sabi ni Acosta.

(Nestor L. Abrematea)