Hindi man lamang lumampas sa isang minuto ang pagbabalik sa UFC ni Ronda Rousey.

Nabigong magtagal sa loob ng octagon sa kanyang pagbabalik si Ronda Rousey matapos ang mahigit isang taon na pagpahinga nang agad na talunin sa unang round ng nagtatanggol na kampeon na si Amanda Nunes sa loob lamang ng 48 segundo sa UFC 207 sa Las Vegas.

Hindi nakayanan ni Rousey ang matinding palitan sa kanyang unang laban sa loob ng 13 buwan at tangi na nagawa na lasapin ang ikalawang sunod na kabiguan sa kanyang record kay bantamweight champion Nunes Biyernes ng gabi.

Hindi nakita kay Rousey (12-2) ang kanyang kinatatakutang taktika kontra Nunes (14-4), na agad nagawa na yanigin si Rousey sa matutulis nitong suntok. Nagpakita si Rousey ng kaunting depensa matapos na gulatin at bahagyang yanigin si Nunes sa sunud-sunod na atake at pagpatama ng ilang suntok.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gayunman, pinigil ni Referee Herb Dean ang laban habang nakatayo si Rousey, na agad na nagprotesta sa pagpapatigil sa labanan bago iniwan ng octagon diretso yakap sa kanyang ina.

Naging co-host din ang Pilipinas sa FIBA World Olympic Qualifying Tournament for Men sa Mall of Asia Arena sa Pasay at masaklap na nabigong mag-qualify ang Gilas Pilipinas sa Rio Olympics pagkaraan ng 80–89 loss sa New Zealand sa Group B prelims match.

Nagtala lamang ng 1-4 win-loss record ang Gilas Pilipinas 5.0 sa 12-nation 6th FIBA Asia Challenge upang lumagay sa ikasiyam na puwesto at dismayahin ang paboritong sport sa bansa.

Nakamit naman ng Perlas Pilipinas ang 9th SEABA Women’s Championship 2016 sa Malacca, Malaysia via 6-game sweep tampok ang 72-52 finale kontra Thailand noong Sept. 25.

Naghati-hati naman sa tatlong titulo ang San Miguel Beer , Rain or Shine at Ginebra sa PBA.

Iniuwi ng Beermen ang Philippine Cup at naging unang team na nakabalik mula sa 0-3 down kontra Alaska noong Pebrero habang binigo ng Elasto Painters ang Aces sa best-of-7 Finals, 4-2 noong Mayo. Tinalo naman ng Gin Kings ang Meralco sa Govs’ Cup race-to-4 win series noong Oktubre, 4-2.

Tinalo ng La Salle Green Archers ang karibal na Ateneo upang iuwi ang korona ng 79th UAAP men’s basketball samantalang binawi ng San Beda Red Lions ang trono ng 92nd NCAA sa pagwalis sa Arellano Chiefs.

Sa volleyball ay ikapitong puwesto lamang ang inabot ng Petron-Philippine Super Liga sa 12 kasali sa 17th Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Biñan City sa itinalang 2-3 record noong Set. 3-11 habang ikapito din ang Foton Tornadoes-PSL sa 8-team sa 4th Women’s Volleyball Thai-Denmark Super League sa Bangkok nung Marso 23-28 sa 0-3 record.

Ikawalo din at panghuling puwesto ang binagsakan ng PSL F2 Logistics Manila sa 10th FIVB Volleyball Women’s Club World Championship sa MOA Arena noong Oktubre 18-23.

Nagsalu-salo naman sa mga titulo ng 4th PSL women’s indoor volleyball noong Pebrero 28 hanggang Disyembre 4 ang RC Cola Army Troopers at Est Cola na co-Invitational champions, F2 Logicstics Cargo Movers sa All-Filipino, at ang Foton sa Grand Prix. Tinanghal naman na co-champions ang RC Cola Army Tropers Team A ang wagi sa women’s beach volley at ang Philippine Navy A sa men’s side.

Nagpartihan sa 13th Shakey’s V-League tiaras ang Pocari Swet na umibabaw sa Open at sa Reinforced at ang National U Bulldogs sa Collegiate.

Sa Cycling ay napunta kay Navy-Standard Insurance cyclist Jan Paul Morales ang kaharian ng Mindanao at Luzon noong Pebrero at Abril habang kay Ronald Oranza ang Visayas stage sa 6th LBC Ronda Pilipinas habang ang naging fifth foreigner na nanalo sa 4-day 7th Le Tour de Filipinas si Oleg Zemlyakov ng Kazakhstan nung Feb.

Makontrobersiya naman ang naging halalan ng POC bago muling nakontrol ni Jose “Peping Cojuangco” matapos na maupo muli sa pang-apat na sunod na 4-year term kasama ang mga kapanalig matapos i-disqualified ng mga bata niya sa POC election committee si boxing head Ricky Vargas.

Ilan sa trahedya’t pighati ang pagyao ni basketball Olympian Caloy Loyzaga noong Enero 27, PBA player Gilbert Bulawan ng Blackwater na nag-collapse sa practice tungo sa kanyang pagkamatay noong Hulyo 23, ang kamatayan ni PBA legendary coach Baby Dalupan noong Agosto 17, founding Phil. Sports Commission chair Cecilio Hechanova noong Marso 22 .