PINANGUNGUNAHAN ng Department of Health (DoH) ang taunang kampanya na Iwas Paputok sa buong bansa, sa layuning mabawasan ang insidente ng pagkakasugat o pagkamatay dahil sa paputok, gayundin ang pinsala nito sa mga ari-arian tuwing ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon. Sinimulan ang kampanya noong 1994 para bantayan ang paggamit ng paputok, partikular simula Disyembre 21 hanggang Enero 4 para mabawasan ang kamatayan at pagkasugat dulot ng fireworks o paputok, at kamatayan sa tama ng ligaw na bala.

Ngayong taon, ang kampanya ay tinawag na “OPLAN: Iwas Paputok, Fireworks Display ay Patok! Makiisa sa Fireworks Display sa Inyong Lugar.” Hinihimok nito ang mga lokal na pamahalaan na magdaos ng community fireworks. Nagpakalat na ng impormasyon ang DoH sa pagbabawal sa indibiduwal at paggamit sa mga tahanan at pagkakaroon ng paputok at iba pang kaparehong kagamitan. Nais ng kampanya na magbigay kamalayan sa publiko kung paano maiiwasan ang mga pagkakasugat kaugnay ng paputok, partikular sa mga bata, at hinihimok ang lahat na gumamit ng ligtas na alternatibo rito na nakakalikha na rin ng ingay.

Ang DoH, sa tulong ng Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of Education, ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at ang Eco Waste Coalition, ay may tagubilin sa publiko na umiwas sa paghawak o paggamit ng paputok at sa halip ay pumili ng mga alternatibong paraan para ipagdiwang ang Bagong Taon. Nagbabala ang DoH sa publiko, lalo na sa mga batang mag-aaral, na maaaring magdulot ang paputok ng malubhang pinsala sa katawan, tulad ng pagkabulag, pagkaputol ng mga daliri o mga braso, na mayrooong pang-habambuhay na kapinsalaan, o kamatayan. Hinihimok ang publiko na ihalili sa paggamit ng paputok ang mga bagay na alternatibong pampaingay, tulad ng murang torotot, busina ng sasakyan, at malalakas na awitin. Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng community fireworks display.

Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para maiwasang maging trahedya ang masayang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Protektahan natin ang ating mga mahal sa buhay mula sa mga pinsala na may kaugnayan sa paggamit ng paputok. Hayaan natin ang pawang propesyunal na humawak ng mga paputok habang ine-enjoy natin ang panonood ng fireworks sa ating mga komunidad sa pagdiriwang natin ng ligtas na Bagong Taon.