LOS ANGELES (AP) – Nasangot sa aksidente si Los Angeles Clippers center DeAndre Jordan, ngunit nakaiwas sa anumang pinsala, ayon sa ulat ng TMZ Sports nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Ayon sa TMZ Sports, bumangga ang sinasakyang itim na Tesla ni Jordan sa isang SUV sa Playa del Rey, California.

Patungo umano ang Clippers shot block king sa airport para sa biyahe ng koponan patungong New Orleans para sa kanilang laro kontra Pelicans.

Batay sa pahayag ng ilang nakasaksi, namataan din sa lugar ng aksidente si Clippers guard Chris Paul, ngunit sinabi ng team management na hindi sangkot sa aksidente ang All-Star guard at dumating lamang para damayan si Jordan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa ulat ng ESPN, kapwa nakasama sa flight patungong New Orleans ang dalawang player.

Wala pang pormal na pahayag ang koponan hingil sa insidente at hindi pa nakikilala ang isang lalaki na nasugatan sa naturang banggaan.

Kulang sa player ang Clippers matapos ma-injury si Blake Griffin, habang walang katiyakan kung makalalaro sina Paul at shooitng guard JJ Redick dahil sa natamong injury sa huling laro kontra Portland.