william-ramirez-copy

Sinimulan ng Philippine Sports Commission ang pagnanais nitong maipalaganap ang modernisasyon at siyentipikong patakaran sa sports sa pagtatayo sa Philippine Sports Institute of Sports sa pagsasagawa ng pilot test sa Siargao Island.

Nagtungo mismo ng mga miyembro ng Philippine Center for Sports Medicine at sports science specialist sa Siargao Island nakaraang linggo upang ibahagi ang mga pangunahing kaalaman sa pangunahing programa na ipapalaganap mismo ng PSC sa susunod na taon.

Ang Siargao Island ay isa lamang sa nais na maitayo na 12 Regional Training Center na bubuo sa PSI.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang PSI ang inaasahang mangunguna sa community sports development program sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakdang pasinayaan ang magiging lugar at pasilidad ng PSI sa paglulunsad nito sa Enero 16 na nasa Philsports Complex in Pasig City.

Mismong si PSI national training director Marc Velasco ang namuno sa pilot test at siya din mamahala sa institute na nakatakda din itayo sa mga regional training centers sa istratehikong lugar sa bansa kabilang ang Davao City, Davao del Norte, General Santos City, Ilocos Sur at Naga.

Matatandaan na si Velasco ang head ng strength and conditioning unit ng PCSM ng PSC simula noong Pebrero 2004 hanggang Enero 2008 bago nagdesisyon magtrabaho bilang strength and conditioning coach sa Hong Sports Institute simula Nobyembre 2008 hanggang 2013.

Nakatakda din kumuha ang PSI ng limang sports psychologists, limang physiologists, limang nutritionists, at iba pang espesyalista.