Bagamat dumarami ang mga Pilipino na nangangambang mabibiktima rin sila o kanilang mga kaanak sa mga extrajudicial killing (EJK), natukoy sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na marami pa rin ang patuloy na sumusuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Sa survey nitong Disyembre 3-6 sa nasa 1,500 adult, natuklasan na 78 porsiyento ng populasyon ang nangangamba na sila, o kanilang mahal sa buhay o kakilala, ay mabibiktima rin ng EJKs.

Sa mga sinarbey, 45% ang “very worried” na mapapatay din sila, 33% ang “somewhat worried”, 10% ang “not too worried”, at 12% ang “not worried at all”.

Natukoy din sa survey na isinapubliko kahapon na 39% ng mga respondent ang naniniwalang ang EJK ay “very serious” sa kasalukuyang administrasyon, at 29% sa mga tinanong ang hindi naniniwalang nanlaban ang mga napapatay ng pulis sa mga operasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabila nito, nananatiling “excellent” ang rating ng mga Pilipino sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga matapos matukoy na 85% ang “satisfied”, 53% ang “very satisfied”, at 32% ang “somewhat satisfied.”

PALASYO DUMIPENSA

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Malacañang sa publiko na hindi totoong pawang mahihirap lang ang target ng drug war, sa layuning pawiin ang tumitinding pangamba ng mga Pilipino sa EJK.

“We recognize our people’s concern,” sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, at iginiit na ang mga sinasabing EJK ay “not state-sponsored”.

“We denounce riding-in-tandem murders perpetrated by common criminals wrongly attributed in news reports as part of police operations,” sabi ni Andanar. “Murder is murder.”

Kasabay nito, nagpasalamat si Andanar sa patuloy na suporta ng karamihan ng mga Pilipino sa drug war ng gobyerno.

Gayunman, nagpahayag naman ng pagkabahala si Senator Leila de Lima sa aniya’y kawalan ng malawakang pagtutol ng sambayanan sa sunud-sunod na patayan, batay sa resulta ng SWS survey.

BAKIT DEDMA ANG MARAMI?

“If 6,095 deaths, including deaths of innocent children, in less than 6 months, isn’t enough to spark outrage, how many more will it take?” sinabi ni De Lima sa kanyang talumpati sa Annual Conference on Cultural Diplomacy 2016 sa Berlin, Germany nitong Linggo.

Aniya, lalo pang lalala ang mga patayan sa nakaambang pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Apparently, our choice is be killed in the streets, or be killed by public execution,” ani De Lima. “It doesn’t even matter that it has been clearly demonstrated that some cops are complicit in the very crimes they are supposed to suppress — clearly, the only real solution is to give them a carte blanche authority to kill the suspects outright.

That is our brand of justice these days. And the true horror is that some of our people will stand up and applaud this reality.”

Sinegundahan naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang pangamba ni De Lima, sinabing tama lamang na maalarma ang publiko dahil ang dumadaming EJKs ay “getting out of hand”.

“Lawlessness is getting hold of the country and it is getting out of hand. The government is no longer in control,” sinabi ni Pabillo, pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, sa isang panayam. “We really need to worry about EJK even without the survey result.”

(VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, ELENA L. ABEN, LEONEL M. ABASOLA at LESLIE ANN G. AQUINO)