Patay ang isang rider nang malaglag mula sa minamanehong motorsiklo matapos mahagip ng kasalubong na truck sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktimang inilarawan lamang na nasa edad 50, may taas na 5’3”.

Kusang-loob namang sumuko ang driver ng truck na si Helario Blanco, 67, ng Radial Road 10, Baseco Compound, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Benito Mateo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), dakong 9:00 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa southbound lane ng Honorio Lopez Street, kanto ng Dalaga St., Balut, Tondo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo (9122 UD) at bumibiyahe sa northbound lane ng Honorio Lopez Street at nakasalubong ang suspek na siya namang nagmamaneho ng truck na may plakang RHE-458 (tractor head) at BUA-2930 (trailer), nang pagsapit nila sa kanto ng Dalaga Street, sa haparan ng Immaculate Conception Academy, ay bigla umanong nahagip ng truck ang motorsiklo sanhi upang mahulog ang biktima at magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang kasong isinampa laban kay Blanco. (Mary Ann Santiago)