ANKARA, Turkey (Reuters)— Labing tatlong sundalo ang namatay habang 48 ang nasugatan makaraang masalpok ng car bomb ang isang bus na may sakay na mga military personnel upang ibiyahe sa Kayseri, Turkey kahapon.

Wala pang itinuturong responsable sa insidente, ngunit iniugnay ni Deputy Prime Minister Veysi Kaynak ang pag-atake sa nangyaring pagpapasabog noong nakaraang Sabado sa labas ng stadium ng Istanbul soccer team Besiktas, na inako ng militanteng Kurdistan Workers Party (PKK).

“The car bomb attack resembles the Besiktas attack in terms of its style,” pahayag ni Kaynak sa isang grupo ng mamamahayag.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo