Tiyak na ang pagbabalik ni Boyet Fernandez bilang coach ng San Beda sa NCAA.

Kumpirmado na ang pagbalik ni Fernandez sa Red Lions bench sa susunod na NCAA Season 93 matapos payagan ni PLDT boss Manny Pangilinan ang kanyang muling pangangasiwa sa Red Lions.

Sinang- ayunan na umano ni Pangilinan ang kahilingan ng pamunuan ng San Beda na pabalikin si Fernandez.

“The team’s request was forwarded to boss MVP and he approved it,” pahayag ng isang insider sa kampo ni MVP. “MVP sees coach Boyet as the best choice.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Agad na hiniling ng pamunuan ng San Beda ang pagbalik ni Fernandez matapos na magbitiw ang dating coach na si Jamike Jarin na nagpasiyang lumipat sa National University kapalit ni coach Eric Altamirano.

Ang paglipat at matagal na umanong plano ni Jarin na tuluyang nagbitiw sa lahat ng responsibilidad nito sa MVP Sports kabilang na ang pagiging assistant coach sa koponan ng Meralco.

Palilipasin lamang ang holiday season upang pormal nang makaupong head coach ng Red Lions si Fernandez, ang kanilang dating mentor nang makumpleto nila ang 5- peat championships noong 2013 at 2014. (Marivic Awitan)