madonna-copy-copy

PINARANGALAN si Madonna nitong Biyernes ng Woman of the Year award ng Billboard magazine, ngunit ibinahagi ng seven-time Grammy award winner na ang pinakamalaking paghamon sa kanya ay ang pagiging mabuting ina.

“The biggest accomplishment I think was finishing my tour, doing my shows every night. And dealing with the challenges of being a mother. That’s always the challenge for me. Being a good mother, being an artist, getting through it all,” sabi ng Material Girl singer sa mga reporter sa New York red carpet.

Kakatapos lang ni Madonna, na may apat na anak, ng kanyang 82-show na Rebel Heart world tour noong Marso na itinanghal habang nakikipaglaban siya sa korte para sa kustodiya ng kanyang anak na si Rocco, 16-anyos, sa dati niyang asawang si Guy Ritchie.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Iniwan ni Rocco si Madonna habang siya’y nagto-tour para makapiling si Ritchie sa London. Naayos ang sigalot noong Setyembre.

Kinikilala ng taunang Billboard Women in Music awards ang kababaihan na nagbibigay ng mahahalagang kontribusyon sa industriya ng musika at nakapagbigay inspirasyon sa ibang mga babae.

Kabilang sa iba pang mga pinarangalan ang pop singer na si Kesha, country-pop star na si Shania Twain, jazz singer na si Andra Day, pop star na si Meghan Trainor, electro-pop artist na si Halsey, at country singer na si Maren Morris. (Reuters)