Sampung sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang ipapataw na dagdag singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Disyembre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang pagtataas ng singil ay epekto ng paghina ng piso kontra dolyar sa bentahan ng kuryente at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, na ginagamit sa produksiyon ng elektrisidad.

Ang naturang pagtaas ay katumbas ng P20 dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh, P30 sa 300 kwh, P40 sa 400 kwh, at P50 sa 500 kwh. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'