TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Alertong ini-report kaagad ng mga residente ang pagkakatagpo kahapon sa isang bag sa gilid ng national highway sa Barangay Buenaflor ng lungsod na ito.

Mabilis namang rumeponde ang awtoridad sa lugar hanggang sa matukoy na mga gamit sa pagmemekaniko lamang ang laman ng bag.

Sinabi naman ng pulisya na hindi dapat na ipagwalang-bahala ang mga kahalintulad na insidente dahil na rin sa banta ng terorismo sa bansa.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay isang bomba ang sumabog sa harap ng isang Simbahang Katoliko sa Bgy. Saliao sa bayan ng Esperanza, na ikinasugat ng dalawang tao. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match