Patay ang isang call center agent makaraang mabangga at makaladkad ng isang cement mixer ang minamaneho niyang motorsiklo sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Police Supt. Jerry Corpuz, OIC station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 6, namatay sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan si Joshua Mari Webb, 24, ng 1255 Gonzales Street, Malate, Maynila.

Dakong 3:05 ng madaling araw, inihatid umano ni Webb ang isa niyang kaibigan sa Pasay City ngunit habang bumibiyahe na ito papauwi, sakay sa kanyang itim na Honda wave motorcycle (ZJ 9628), ay bigla na lang itong nabangga ng cement mixer (AGA 9344) na minamaneho ni Mario Lamigas, 46, ng Peakson Mia East Road, Tikling, Taytay, Rizal.

Nahaharap si Lamigas sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter