Isang motorcycle rider ang pinagbabaril at pinatay ng riding-in-tandem habang ito’y papauwi sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital si Harry Parlasigan, 27, ng No. 57 Russel Street, Barangay 76, Zone 10 ng nasabing lungsod, sanhi ng limang tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong 8:30 ng gabi, sakay ang biktima sa asul na Yamaha Mio (3727NE) at binabaybay ang FB Harrison Street nang sumulpot sa kanyang likuran ang dalawang armadong lalaki na sakay sa motorsiklong walang plaka at saka siya pinaputukan.

Narekober ang limang basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa pinangyarihan at patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Bella Gamotea)